P76M na halaga ng cocaine na kumpiska sa NAIA; 2 Singaporean arestado

P76M na halaga ng cocaine na kumpiska sa NAIA; 2 Singaporean arestado

Inaresto ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Singaporean national matapos matuklasan ang mahigit 14 na kilo ng cocaine na itinago sa bagaheng dala ng mga ito.

Isinagawa ang joint operation ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) against illegal drugs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Ang dalawang dayuhan ay dumating sa bansa galing Doha, Qatar lulan ng Qatar Airways flight QR 928.

Isinailalim ang kanilang bagahe sa screening, kabilang ang x-ray scanning, at physical examination at doon nadiskubre ang 14.36 kilograms ng cocaine na tinatayang P76,108,000 ang halaga.

Ang mga ilegal na droga ay itinago sa lata ng cookies at chips.

Mahaharap ang dalawang dayuhan sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drug Act at Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *