Pang. Marcos, French Pres. Macron nagkausap sa telepono
Nagkausap sa telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) tinalakay ng dalawang lider ang usapin sa seguridad sa West Philippine Sea.
Sa kanilang pag-uusap sinabi ni Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mapanatili ang peace at stability sa pinag-aagawang teritoryo.
Pinasalamatan din ng pangulo ang French government sa suporta nito partikular ang pagpapadala ng mga barko na magpapatrulya sa rehiyon.
Kabilang din sa napag-usapan ng dalawa ang planong pagbisita ng French ministers sa Pilipinas upang talakayin ang mahahalagang usapin.
Nagbalik-tanaw din ang dalawang lider sa kanilang napag-usapan sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ meeting noong nakaraang taon.
Ipinagdiriwang ngayong 2023 ang ika-75 anibersaryo ng diplomatic relationship ng Pilipinas at France. (DDC)