E.A.T. nag-sorry sa MTRCB sa kontrobersyal na ‘lubid’ comment ni Joey de Leon sa segment na Gimme 5

E.A.T. nag-sorry sa MTRCB sa kontrobersyal na ‘lubid’ comment ni Joey de Leon sa segment na Gimme 5

Humingi ng paumanhin sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang noontime show na E.A.T. matapos ang “lubid” joke ng host nito na si Joey de Leon sa ‘Gimme 5’ segment.

Sa liham na nilagdaan ni Jeny Ferre, Head of Creatives and Production Operations ng E.A.T. na naka-address kay MTRCB Chairperson Diorella Maria Sotto-Antonio, nagpaliwanag din ang noontime show sa nangyari.

Ayon sa liham, sa segment na ‘Gimme 5’ binanggit ni De Leon ang salitang ‘lubid’ bilang sagot sa tanong kung ‘ano ang mga bagay na maaaring isuot sa leeg’.

Ayon kay Ferre, binanggit ni De Leon ang nasabing salita ng walang ipinakikitang aksyon, hindi nagkaroon ng elaborations o demonstrasyon.

Pero ayon kay Ferre, ilang viewers ang nag-interpret na ang pagbanggit ni De Leon sa salitangs ‘lubid’ ay patungkol sa suicide na isang sensitibong usapin.

Dahil dito, sinabi ni Ferre na humihingi ng paumanhin ang management ng E.A.T. lalo na sa mga na-offend sa nasabing insidente.

Tiniyan din ng noontime show na kaisa ito ng MTRCB sa pagsusulong ng responsible viewing experience sa publiko.
Una ng sinabi ng MTRCB na isasailailm nito sa review at imbestigasyon ang nasabing segment na umere noong Sept. 23, 2023 matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga viewer. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *