Panukalang batas na layong magpatupad ng organizational reform sa PNP suportado ng DILG
Welcome sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang inihaing panukalang batas sa Senado na layong magpatupad ng reporma sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa kalihim, kung magiging ganap na batas ito ang magiging kauna-unahang comprehensive legislative reform sa PNP simula noong 1998.
Ang Senate Bill 2449 o An Act Providing for the Organizational Reforms in the Philippine National Police ay isinulat ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Layunin nitong amyendahan ang RA 6975 o ang DILG Act of 1990 at ang RA 8551 o ang PNP Reorganization Act of 1998.
Ayon kay Abalos napapanahon ang nasabing panukala para matugunan ang mga hamon sa pambansang pulisya. (DDC)