‘Trabaho Para sa Bayan Plan’ Act nilagdaan ni Pangulong Marcos bilang ganap na batas

‘Trabaho Para sa Bayan Plan’ Act nilagdaan ni Pangulong Marcos bilang ganap na batas

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ganap na batas ang Republic Act (R.A.) No. 11962 o ang “Act Establishing the National Employment Master Plan, na tatawagin bilang ‘Trabaho Para sa Bayan Plan’.

Layunin ng “Trabaho Para sa Bayan Act” na tugunan ang unemployment, underemployment, youth unemployment at reintegration sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Kasama ring tutugunan ng batas ang pang mga hamon na kinahaharap ng labor sector sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing batas, gagawing institutionalized at palalawigin ang national employment recovery at ang job generation master plan.

Layon din nitong suportahan pa ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Sa ganitong pamamaraan, ay makalilikha ng mas marami at disenteng trabaho.

Dumalo sa signing ceremony sa Malakanyang sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senate Majority Leader Emmanuel Joel Jose Villanueva, Executive Secretary Lucas Bersamin, at mga miyembro ng gabinete. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *