DOTr pinapurihan ang PCG sa matagumpay na pagbaklas sa floating barrier sa Bajo de Masinloc
Pinapurihan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ginawa nitong pagbaklas sa floating barrier na inilagay ng barko ng China sa Bajo de Masinloc.
Sa pahayag, sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista, ang hakbang ng PCG ay nagpakita ng pagsusulong sa soberanya ng bansa sa Exclusive Economic Zone nito.
Binati ni Bautista ang mga tauhan ng PCG sa kanilang ipinakitang tapang.
Una ng sinabi ng Coast Guard na matagumpay na nabaklas ang floating barrier na inilagay ng China.
Dahil sa nasabing floating barrier ay napipigilan ang mga mangingisdang Pinoy na makapagsagawa ng kanilang fishing activities sa lugar. (DDC)