FDA nagpalabas ng public health warning laban sa isang produktong pampaputi

FDA nagpalabas ng public health warning laban sa isang produktong pampaputi

Pinapurihan ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang hakbang ng Food and Drug Administration (FDA) sa pag-iisyu ng Public Health Warning laban sa isang produktong pampaputi.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng grupong BAN Toxics, base sa inilabas na abiso ng FDA, ang produktong C.A Capadosa Botox Whitening Day and Night Cream SPF70 Skin Lightening Products (SLPs) ay hindi otorisado.

Nagawa ng grupo na makabili ng nasabing produkto sa sa isang mall sa Pasay City sa halagang P100 ang isa.

Ang cosmetic product ay gawa sa Pilipinas at may taglay na label na nakasaad na ito ay aprubado at sertipikado ng
FDA at ng Department of Trade and Industry (DTI).

Gayunman, sa post-marketing surveillance ng FDA ay natuklasang walang balidong Certificate of Product Notification (CPN) ang produkto.

Sa ilalim ng RA 9711, ang pag-manufacture, importation, exportation, pagbebenta, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising, o sponsorship ng anumang health product na walang authorization mula sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *