P224K na halaga ng undocumented lumber nakumpiska sa Romblon

P224K na halaga ng undocumented lumber nakumpiska sa Romblon

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Romblon ang aabot sa P224,400 na halaga ng undocumented lumber.

Ang anti-illegal logging operation ay ikinasa ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Cajidiocan (CGSS), CGSS Magdiwang, at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sibuyan sa Brgy. Taclobo, San Fernando sa nasabing lalawigan.

Ang nasabing mga cut-size lumber ay nakatakda sanang dalhin sa Hintutulo, Masbate.

Nang dumating ang mga otoridad sa lugar ay nakuta na isinasakay na ang mga kahoy sa MB “Saint Mary 2”.

Bigo ang may-ari ng motorbanca, na kinilalang si Amabli Ruado Jr. na magpakita ng karampatang mga dokumento.

Kinumpiska ang 42 piraso ng kahoy na iba-iba ang sukat dahil sa paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *