Landbank Branch sa San Antonio, Quezon, inatake ng ‘Termite Gang’
Inatake ng Termite Gang ang Landbank Easy Access Facility sa Branch ng LBP sa San Antonio Quezon.
Ayon sa report ng pusliya, natuklasan ng marketing specialist na si Ma. Rebecca Flores na ang branch ay ninakawan na ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon, pwersahang pinasok ng suspek ang kanal at winasak ang sahig ng Landbank at saka tinangay ang hindi pa matukoy na halaga ng pera.
Patuloy pa ang follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagdakip sa mga suspek. (JR Narit)