Floating Barrier ng China sa Bajo de Masinloc binaklas ng Philippine Coast Guard

Floating Barrier ng China sa Bajo de Masinloc binaklas ng Philippine Coast Guard

Matagumpay na nabaklas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barrier na inilagay ng barko ng China sa Bajo de Masinloc.

Kasunod ito ng utos ni Sec. Eduardo Año ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) base na din sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa task force may banta sa navigation sa lugar ang inilagay na barrier at malinaw na paglabag ito sa International Law.

Dahil din sa barrier ay napipigilan ang mga mangingisdang Pinoy na magsagawa ng fishing at livelihood activities sa Bajo de Masinloc.

Batay sa 2016 Arbitral Award, pinagtibay na ang Bajo de Masinloc ay bahahi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at fishing ground ng mga mangingisdang Pinoy.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), Commodore Jay Tarriela anumang obstruction na makaaapekto sa livelihood ng mga Pinoy sa shoal ay paglabag sa International Law.

Sinabi ni Tarriela na ang ginawa ng PCG na pagbaklas sa mga barrier ay naka-angkla sa International Law at paggigiit ng soberanya ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *