Taguig pumalag sa panibagong ‘disinformation campaign’ ng Makati sa EMBO issue
Matapos ang ilang linggong progreso sa pagsasalin ng hurisdiksiyon ng mga pasilidad pangkalusugan o health facilities sa 10 EMBO barangays na isinasagawa ng Department of Health (DOH) at ng kasunduang iayos ang petsa ng pagtransfer sa Oktubre 1,2023 ay muli umanong sinimulan ng Makati City ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
Namahagi umano kamakailan ang Makati sa mga mamamahayag ng isang press release na may pamagat na “Taguig’s ‘unreasonable’ rejection of Makati proposals impedes smooth transfer of city-owned health facilities, services – City Administrator” kung saan hindi nag-iiwan ng puwang na magbibigay sa mga opisyal ng Makati na maaaring pagdudahan ang kanilang pagnanais na malagpasan ang mga suliranin at maiwasang matigil ang paghahatid ng mga serbisyo publiko para sa kanilang dating mamamayan.
Ayon umano sa press release ng Makati ay iminungkahi ang Memorandum of Agreements na naka-angkla sa maling akala na sa kanila ang lupa at mga health centers na naitayo roon.
Pumalag ang Taguig LGU at sinabing ito ay nakakahiyang mga paglabag ng kasunduan sa DOH para sa Makati at Taguig na hindi dapat pinag-uusapan ang pagmamay-ari sa lupa at mga gusali habang nagpapatuloy ang pagtalakay sa transition upang hindi madiskaril ang pangunahing pakay ng isang maayos na pagsasalin ng hurisdiksiyon mula sa Makati patungong Taguig.
Ang kasunduan sa DOH ay pansamantalang nagsasantabi sa isyu kung saan ang naging aksyon ng Makati ay naglagay sa alanganin na mabalewala ang kapakanan ng kanilang dating mga residente.
Ito ay nakakalungkot dahil mawawala ang mga boto ng mga residente mula sa 10 barangays kung kaya wala na umanong maramdamang moral na pag-aalinlangan ang mga opisyal ng Makati na abandonahin sila.
Kung sinsero umano ang Makati ay tinanggihan na nito ang apela ng DOH na isantabi ang isyu sa ownership ngayong panahon ng transition.
Kaugnay naman sa Ospital ng Makati, binigyang diin sa press release nito na hindi kailanman tinanggihan ni City Mayor Lani Cayetano ang anumang mungkahi mula sa Makati ngunit naipagpaliban lamang ito nang sabihin ni Health Secretary Teodoro Herbosa, na ang DOH Regional Director ang mangunguna sa alinmang talakayan patungkol sa OsMak.
Ang ganitong mga mapanlinlang at manipuladong asal mula sa mga pampublikong opisyal ay nakakapagparupok ng tiwala ng tao at hindi dapat kunsintihin.
“We ask all responsible members of the media to scrutinize and dig deeper into any self-serving propaganda it receives from all parties,” ayon sa Taguig.
Bilang paglilinaw, sinabi ng Taguig na siya ang may nakakataas na legal na pag-aangkin sa pagmamay-ari ng lupa at mga pagbabago rito dahil ang Makati ay walang titulo sa mga lote at hindi ipinakita sa publiko ang mga titulo na sumuporta sa kanyang inaangkin.
“And what Makati owes Taguig (in internal revenue allotment/national tax allotment, Special Education Fund, real property, business, and other local taxes Makati illegally exacted or received for decades, not to mention the compensation Makati owes Taguig for unlawfully depriving Taguig of the use and enjoyment of its land), is far greater than what Makati hopes to receive from Taguig.”
Lumilitaw na ayaw umano ng Makati na malagpasan ang mga problema sa isang maayos na transiiton sa halip ay nilagay nito ang lahat ng uri ng hadlang sa walang kuwentang pag-asa na maantala ang implementasyon ng pinal na desisyon ng Supreme Court.
Subalit pangunahing alalahanin ng Taguig ay ang panahong walang hadlang na paghahatid ng mga serbisyo sa kanyang mga residente sa 10 EMBO barangays.
Ang Taguug City sa kabila ng umano’y pagpupumilit na pagtatangka ng mga opisyal ng Makati na ilihis ang publiko, ay patuloy na gagawin ang tama na naayon sa batas at para sa kapakanan ng kanyang mamamayan. (Bhelle Gamboa)