Pag-deliver sa mga National ID tatagal pa ng isang taon

Pag-deliver sa mga National ID tatagal pa ng isang taon

Sa pagdinig sa senado, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa, sa kanilang datos ay umabot sa 81 million Filipinos ang nagrehistro para sa Philippine Identification SYstem o PhilSys.

Katumbas ito ng 81 percent ng populasyon ng bansa na edad 5 pataas.

Sa nasabing bilang ng mga nagparehistro, 39.7 million na ang natanggap ang kanilang ID, habang mayroong 41.2 million ang nakatanggap lamang ng ePhilID o naka-imprenta lamang sa papel.

Ang backlog ayon kay Mapa ay dahil ang ginagamit na card printing ay kaya lamang maka-accommodate ng 80,000 kada araw.

Ayon kay Mapa, posibleng sa Sept. 2024 ay matapos na ang lahat ng ID na hindi pa naibibigay. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *