Deadline sa pagbabayad ng SSS contribution sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat, bagyong Egay at bagyong Falcon, pinalawig ng SSS
Pinalawig ng Social Security System (SSS) ang deadline ng remittance ng contribution sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Egay, bagyong Falcon, at Habagat.
Nagpalabas ng circular ang SSS na nagpapalawig sa deadline na dapat sana ay sa Sept. 6, 2023.
Ayon sa circular, ang deadline ng remittance para sa kontribusyon ng mga Business Employer para sa applicable month ng June 2023 ay dapat mai-remit hanggang sa Sept. 30, 2023.
Para naman sa mga hosuehold employers, CCPs, at individual members, ang kontribusyon para sa applicable months ng April, May, June o second quarter ng taong 2023 ay dapat mai-remit din hanggang Sept. 30, 2023.
Sakop ng circular ang mga miyembro ng SSS mula sa sumusunod na lugar:
REGION 1
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
REGION 2
– Cagayan
REGION 3
– Bataan
– Bulacan
– Nueva Ecija
– Pampanga
– Tarlac
CALABARZON
– Cavite
– Rizal
MIMAROPA
– Occidental Mindoro
CAR
– Abra
– Apayao
– Benguet
– Ifugao
– Mountain Province (DDC)