Matapos ang ilang sunod na linggong oil price hike; presyo ng produktong petrolyo may karampot na bawas ngayong linggo
Naputol na ang labingisang magkakasunod na linggo na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ngayong linggo ay aasahan ang bahagyang pagbaba sa presyo ng oil products.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may bawas na 20 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
50 centavos naman ang bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang bawas-presyo araw ng Martes, Sept. 26.
Simula noong July 11 ay nasa P17 na ang itinaas ng presyo ng kada litro ng diesel.
Mahigit P11 naman na ang itinaas ng presyo ng kada litro ng gasolina. (DDC)