4th batch ng Toll Plazas na isasama sa dry-run ng Contactless Toll Collection, inilabas ng TRB

4th batch ng Toll Plazas na isasama sa dry-run ng Contactless Toll Collection, inilabas ng TRB

Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB) ang listahan ng ikaapat na batch ng mga toll plaza na mapapasama sa nagpapatuloy na dry-run para sa Contactless Toll Collection sa mga expressway.

Ayon sa TRB, simula sa Sept. 28, mapapasama na sa dry run ang mga sumusunod na toll plaza:

Para sa Autosweep users,
– Filinvest Entry, Sta. Rosa Northbound entry and exit, Calamba northbound exit, Metro Manila Skyway Stage 3, at Quezon Avenue northbound exit.

Para naman sa Easytrip users,
– Tabang entry and exit at Angeles entry and exit.

Ayon sa TRB, ang mga non-participating toll plazas ay patuloy na kokolekta ng bayad sa pamamagitan ng ETC (RFID) lanes at cash lanes.

Sa mga participating toll plazas naman, ang mga motorista na walang RFID stickers ay aasistihan patungo sa ligtas na lokasyon kung saan makapagbabayad sila ng cash.

Hihimukin din silang magpakabit na ng RFID sticker. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *