Video ng Taal Volcano na kumakalat sa Social Media ‘fake news’ ayon sa Phivolcs

Video ng Taal Volcano na kumakalat sa Social Media ‘fake news’ ayon sa Phivolcs

Peke ang video na kumakalat sa social media na nagpapakita ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs ang nasabing video na ibinahagi ngayon sa Facebook ay orihinal na kinunan noong 2020.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pag-share ng mga hindi beripikadong impormasyon gaya nito dahil maaari itong magdulot ng pangamba sa publiko.

Ang mga abiso kaugnay sa sitwasyon sa Bulkang Taal ay maaaring makita o mabasa sa official social media accounts ng Phivolcs. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *