Seafarers binalaan ng MARINA sa mga alok na serbisyo online para sa pagproseso ng iba’t ibang dokumento

Seafarers binalaan ng MARINA sa mga alok na serbisyo online para sa pagproseso ng iba’t ibang dokumento

Binalaan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga seafarer kaugnay sa mga ‘fixer’ na nag-aalok ng tulong para sa pagproseso ng iba’t ibang dokumento.

Ayon sa MARINA, hindi pinahihintulutan ng ahensya ang anumang ‘online consultancy services’, Facebook groups, Community chat groups, o ibang kahalintulad na transaksyon para sa pagproseso Seafarers Identity Document (SID), Seafarer’s Record Book (SRB), Certificate of Competency (COC), at Certificate of Proficiency (COP).

Ayon sa MARINA ito ay hindi otorisado ng ahensya.

Paalala ng MARINA sa publiko ang mga ganitong alok na nagsasabing mapapabilis ang pagproseso ng mga dokumento ng seafarers ay maanomalya at ilegal na pamamaraan.

Sinabi ng MARINA na ang ‘fixing’ ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 9485 o “Anti-Red Tape Act of 2007.” (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *