10,391 candidates nakakumpleto sa ikalawang araw ng ng 2023 Bar Examinations

10,391 candidates nakakumpleto sa ikalawang araw ng ng 2023 Bar Examinations

Umabot sa 10,391 candidates ang nakakumpleto sa ikalawang araw ng 2023 Bar Examinations.

Sa inilabas na datos ng Korte Suprema, naging maayos din ang sitwasyon sa mga local testing centers.

PInangunahan ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, Chairperson ng 2023 Bar Examinations ang personal na pagbisita sa mga LTC para obserbahan ang bar exams.

Sa unang araw ng 2023 Bar Exams noong Sept. 17, umabot sa 10,400 ang nakakumpleto ng pagsusulit.

Ayon sa SC, ngayong taon, 2,310 na Bar personnel ang nagtutulong-tulong pata mapanatiling maayos ang proseso.

Naka-deploy sila sa National Headquarters (NHQ) at sa 14 na LTCs sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang mga bar personnel ay kinabibilangan ng mga hukom, mga empleyado ng SC, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at First- and Second Level Courts.

May tumutulong ding mga abogado na mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga nasa private practice.

Sa Sept. 24 araw ng Linggo ang ikatlong araw ng bar exams. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *