Temporary shutdown sa Putatan Water Treatment Plant isasagawa ng Maynilad; suplay ng tubig sa maraming lugar sa NCR at Cavite apektado
Isasagawa ng Maynilad ang temporary shutdown ng planta nito sa Putatan, Muntinlupa simula sa Setyembre 28, 2023 hanggang Oktubre 1, 2023 upang magsagawa ng ilang maintenance at repair activities.
Ito ang ikalawa sa dalawang beses na scheduled plant shutdowns ng Maynilad ngayong taon na layong mapanatiling maayos ang kondisyon ng nasabing pasilidad.
Kabilang sa mga isasagawang aktibidad ay ang pagpapalit ng UF (Ultrafiltration) Inlet Valves.
Isasabay na din ng Maynilad ang ilan pang maintenance activities para masigurong patuloy ang maayos na operasyon ng planta.
Dahil dito, pansamantalang maaantala ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, at Pasay City sa Metro Manila; at Bacoor, Cavite City, Imus City, Noveleta, at Rosario sa Cavite Province.
Makikita ang kumpletong listahan ng mga apektadong lugar at oras ng interruption sa Facebook page at Twitter account ng Maynilad.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.
Nakahanda na din ang mobile water tankers ng Maynilad para mag-suplay ng malinis na tubig kung kinakailangan. (DDC)