Mga empleyado ng gobyerno maagang pauuwiin sa Sept. 25 para sa obserbasyon ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”
Iniutos ng Malakanyang ang maagang pagpapauwi sa mga empleyado ng gobyerno sa Sept. 25 araw ng Lunes.
Batay sa Memorandum Circular ng Malakanyang, alas 3:00 ng hapon sa nasabing petsa ay suspendido na ang government work kaugnay sa paggunita ng Family Week.
Hinikayat ng palasyo ang lahat ng government workers na suportahan ang mga aktibidad na may kaugnayan sa Family Week na inorganisa ng National Committee on the Filipino Family.
Kabilang dito ang paggunita sa “Kainang Pamilya Mahalaga Day” sa Sept. 25 kung saan hinihikayat ang bawat pamilyang Pilipino na magsalo-salo sa pagkain.
Samantala, hindi naman sakop ng maagang work suspension ang mga empleyado ng gobyerno na ang trabaho ay may kaugnayan sa deliver ng basic and health services, preparedness, response sa disasters at calamities, at pagganap ng iba pang vital services. (DDC)