Angkas nagbigay ng 20 motorsiklo para sa Motorcycle Riding Academy ng MMDA
Nag-donate ang kumpanyang ‘Angkas’ ng 20 motorsiklo at tent para sa Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Pinasalamatan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes si Angkas CEO George Royeca sa kanyang suporta sa Riding Academy ng ahensya.
Ayon kay Atty. Artes, kasama sa vision ng ahensiya ang makapagbigay ng proper training sa mga motorcycle riders, maituro ang tamang disiplina sa lansangan, at basic emergency response lalo na at tumataas ang bilang ng motorsiklo na dumadaan sa EDSA.
Samantala, sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Royeca ang kanyang suporta sa layunin ng ahensiya na makapagbigay ng proper motorcycle training.
Kabilang din dito ang layunin na mabawasan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.
Ang Riding Academy ay magbubukas sa Setyembre 27. (DDC)