“Vessel Traffic Management System Pasig” pinasinayaan na

“Vessel Traffic Management System Pasig” pinasinayaan na

Pinasinayaan na ng Philippine Coast Gurd (PCG) ang Vessel Traffic Management System-Pasig (VTMS) sa Maynila.

Ppinangunahan ni PCG Admiral Artemio Abu ang ceremonial blessing and inauguration sa VTMS na nasa PSG Compound, sa Malakanyang.

Dumalo din sa seremonya si Brigadier General Ramon Zagala at CG Vice Admiral Coyme.

Sa kaniyang welcome remarks sinabi ni Coyme na limang buwan ang nakararaan ng ipresinta niya kay Abu at sa PSG ang VTMS Pasig project.

Ang VTMS Pasig ay gagamitin upang mas mapagbuti pa ang vessel traffic management dahil mayroon itong real-time monitoring at 24/7 surveillance.

Makatutulong ito ito sa pagkakaroon ng efficient routing, at critical coordination sa Pasig River at dagdag na seguridad sa MalacaƱang premises.

Ang pasilidad ay mamanduhan ng mga VTMS Operators na mula sa Navigational Safety Services Unit (NSSU).

Naglagay ng mga CCTV cameras at advanced sensors sa Pasig riverbanks para mabantayan ang maritime situation ng mga watercraft sa Pasig River. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *