Excise tax sa oil products, Oil Deregulation Law tinalakay sa pulong ng mga mambabatas at oil companies

Excise tax sa oil products, Oil Deregulation Law tinalakay sa pulong ng mga mambabatas at oil companies

Wala pang pasya ang Kongreso sa mga panukalang ibaba o suspendihin muna ang ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo.

Ayon kay Atty. Rino Abad, director ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, kabilang ito sa napag-usapan sa pakikipagpulong ng mga mambabatas sa mga kinatawan ng Oil Industry.

Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni Abad na sa nasabing pulong ay wala pang pinal na naging pasya sa usapin sa excise tax.

Kabilang din sa natalakay ay ang posibilidad na pag-amyenda sa Oil Deregulation Law.

Ayon kay Abad, sa naturang pulong, pinakiusapan din ni Romualdez ang mga oil company na mag-isip ng mga pamamaraan kung paanong kahit papaano ay maibaba ang presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Abad na masusundan pa ang naturang pulong dahil sinisiguro ng pamahalaan na hahanapan ng solusyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na labis ng nakakaapekto sa presyo ng iba pang bilihin. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *