Kusina ng Las Piñas, patuloy sa pag-iikot

Kusina ng Las Piñas, patuloy sa pag-iikot

Nabiyayaan ang 600 pang kabataan sa tuluy-tuloy na auxiliary feeding program ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas City bilang pagpaprayoridad sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

Sa pamamagitan ng Kusina ng Las Piñas at maingat na paghahanda ng Nutritionist- Dietitians at mga Barangay Nutrition Scholars ay naipamahagi ang masustansiyang Rice Topping: Picadillo with Boiled Egg ang mga kabataan sa Castillo Compound, Barangay Pamplona Dos at sa Florante, Bonifacio at Trinidad Streets, Brgy. Pamplona Uno sa nasabing lungsod.

Ang programang Kusina ng Las Piñas ay inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Imelda T. Aguilar, Vice Mayor April Aguilar at ng buong City Council.

Naging maayos ang feeding program sa pangangasiwa naman ni City Nutrition Office OIC/City Nutrition Action Officer Dr. Julio P. Javier II, sa kooperasyon ng Brgy. Nutrition Action Officer at Brgy. Health Workers.

Magpapatuloy ang pag-arangkada ng Kusina ng Las Piñas sa iba’t ibang lugar sa lungsod. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *