Sen. Bong Go, nag-donate ng 10 motorsiklo sa Motorcycle Riding Academy ng MMDA

Sen. Bong Go, nag-donate ng 10 motorsiklo sa Motorcycle Riding Academy ng MMDA

Nakatanggap kamakailan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 10 motorsiklong donasyon mula kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go para sa Motorcycle Riding Academy ng ahensiya.

Personal na tinanggap at nagpasalamat si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes kay Senator Go sa donasyon at patuloy na pagsuporta nito sa mga programa at proyekto ng ahensiya.

Ayon kay Artes, napakalaki ng naitulong ni Senator Go sa MMDA, partikular ang pagpopondo sa MMDA Communications and Command Center at mga closed circuit television (CCTV) cameras para mamonitor ang daloy ng trapiko at iba pang pangyayari sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Senator Go na “makatutulong ang mga motorsiklo hindi lamang sa pagtuturo sa ating mga kababayan na magmaneho, kundi para maturuan din sila kung papaano maging responsableng motorista.”

“As we celebrate this investment in our future riders, it is crucial to recognize that road safety does not end when one leaves the academy,” sabi ni Go, na nagsisilbing Senate Committee on Health and Demography at Committee on Sports Chairman.

Binisita rin ng senador ang state-of-the-art na MMDA Communications and Command Center na nakatutok sa traffic management, flood control management, at public safety sa Metro Manila.

Kasama sa turn-over ceremony sina Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr., General Manager Usec. Procopio Lipana, at Assistant General Manager for Operations Usec. David Angelo Vargas. Dumalo rin si Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *