PDL nakapuga sa Davao Prison and Penal Farm, mataaas na opisyal ng bilangguan sinibak sa pwesto

PDL nakapuga sa Davao Prison and Penal Farm, mataaas na opisyal ng bilangguan sinibak sa pwesto

Sinibak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang Acting Superintendent ng Davao Prison and Penal Farm kahapon kasunod ng pagkakatakas at kalaunan ay naarestong muli na person deprived of liberty (PDL).

Si C/Supt. Rufino A. Martin, MBS, CMS ay tinanggal sa puwesto dahil sa naantalang pag-uulat nito kaugnay sa pagkakapuga ng PDL na kinilalang si Jundee Caño,38-anyos, mula sa kanyang piitan sa minimum security compound noong Setyembre 13.

Noong Setyembre 17 ay muling naaresto si Caño.

Base sa inisyal na ulat kay Catapang, sinabi ni Martin na ang PDL na si Caño ay naaresto sa isang hot pursuit sa tulong ng mga operatiba ng Damulog Municipal Police Station.

Hinihintay pa ng BuCor ang pinal na report ukol sa insidente.

Ang ganitong katulad na insidente ay marapat lamang na ireport agad sa head office at hindi dapat kunsintihin ang anumang pagkaantala o pagtatago ng mga napakaimportanteng impormasyon ayon kay Catapang.

“If there are any untoward incidents in various colonies, I don’t want to be the last to know, so this will served as a warning to all BuCor officials,” sabi ni Catapang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *