2 police officers, isang sibilyan inaresto sa Cavite dahil sa pangingikil
Inaresto gn mga otoridad ang dalawang police officers at isang kasabwat nilang sibilyan sa Bacoor City, Cavite dahil sa pangingikil ng pera sa mga transport group.
Ang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay nag-ugat kasunod ng mga reklamong kanilang natanggap mula sa local transport leaders sa lugar.
Dalawang police non-commissioned officers na kapwa nakadestino sa Cavite Police Provincial Office at kanilang kasabwat na sibilyan ang dinakip sa entrapment operation.
Ayon sa CIDG, ang mga suspek ay inakusahan nanangungulekta ng pera buwan-buwan o ‘payola’ mula sa mga operator ng tricycle at mga drivers’ associations.
Sa pagtaya ay umaabot na sa P1.5 million kada buwan ang nakukulekta ng tatlong suspek dahil P170,000 kada transport group ang kanilang hinihingi.
Pinagbabantaan umano ng dalawang pulis ang mga driver at mga transport leader kaya napipilitan silang magbigay.
Mahaharap ang tatlo sa reklamong robbery, illegal possession of firearms at paglabag sa omnibus election code. (DDC)