Bagyong Goring, Hanna at Habagat nagdulot ng P1.7B na halaga ng pinsala sa agrikultura
Umabot sa P1.7 billion ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura ng bagong Goring, Bagyoong Hanna at Habagat sa ilaling rehiyon sa bansa.
Kabilang sa naapektuhan ayon sa Department of Agriculture (DA) ay ang mga pananim, palaisdaan at mga alagang hayop sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.
Sa final bulletin na inilabas ng DA, umabot sa mahigit 62,000 na magsasaka ang naapektuhan.
Pinakamatindi ang pinsalang naidulot sa mga pananim na palay na umabot sa P1.45 billion ang halaga.
May mga napinsala ding pananim na mais at high value crops.
Halos 1,000 alagang hayop naman ang nasawi habang umabot sa mahigit P40 million ang ang pinsala sa mga palaisdaan. (DDC)