P96M na halaga ng pekeng alak, nakumpiska ng NBI

P96M na halaga ng pekeng alak, nakumpiska ng NBI

Nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang libu-libong bote ng mamahaling alak.

Ipinatupad ng NBI ang siyam na Search Warrants dahil sa kasong paglabag sa R.A. 8293 sa magkakahiwalay na establisyimento sa Pasay, Parañaque, Manila, Quezon City at maging sa lalawigan ng Aklan.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska sa 6,562 na bote ng pekeng alak na gamit ang trademark na “HENNESSY”

Ayon sa NBI, tinatayang aabot sa P95 million ang halaga ng mga nakumpiskang alak.

Samantala sa hiwalay na operasyon na ikinasa ng NBI Intellectual Property Rights Division sinalakay naman ang limang stalls at 1 stockroom 168 mall sa Tondo, Manila.

Sa naturang operasyon ay nakumpiska ang 1,618 na piraso ng pekeng Louis Vuitton products na nagkakahalaga ng P121,000,000. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *