DILG nag-donate ng sampung motorsiklo sa MMDA para sa Motorcycle Riding Academy

DILG nag-donate ng sampung motorsiklo sa MMDA para sa Motorcycle Riding Academy

Nag-donate si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng sampung motorsiklo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magamit sa Motorcycle Riding Academy.

Ayon kay Abalos, malaking bagay ang academy para sa mga motorista lalo na sa mga rider.

Pawang Honda Beat 110 FI Standard (Automatic) ang ibinigay ng DILG bilang suporta sa MMDA sa bagong tatag nitong Motorcycle Riding Academy na opisyal na magbubukas sa September 27.

Umaasa ang kalihim na sa pamamagitan ng academy ay mababawasan na ang mga namamatay at aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon sa MMDA Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), ang motorcycle riders ay kabilang sa mga pinakamalaking bilang sa road crash fatalities noong 2018, nasa 38% ng 590 kabuuang fatalities. Noong 2020 at 2021, nasa 253 at 295 fatalities sa nabanggit na mga taon.

Pinasalamatan ni MMDA Acting Chairman Don Artes ang DILG chief sa tuluy-tuloy na suporta sa MMDA. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *