P1 na bawas-presyo sa well-milled rice alok ng Kadiwa pop-up store sa Bilibid

P1 na bawas-presyo sa well-milled rice alok ng Kadiwa pop-up store sa Bilibid

Inanunsyo ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na mabibili lamang sa P44 bawat kilo ang presyo ng well-milled rice sa Kadiwa pop up store na nasa Biazon Road Road sa Muntinlupa City, na pinamamahalaan ng BuCor at ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Catapang na may pisong bawas presyo sa naturang bigas na mas mababa sa price cap na ipinatutupad ng gobyerno.

Mabibili rin sa Kadiwa Store ang mga sariwang gulay mula sa Argo products ng New Bilibid Prison (NBP) na pawang tanim ng mga persons deprived of liberties (PDLs), mga karne ng manok at baboy, isda, itlog, mantika, sibuyas, bawang, saging, kape, prutas at iba pa.

Tuwing weekend ang magiging operasyon ng naturang Kadiwa store sa nabanggit na lugar.

Samantala, iniulat kay Catapang ni Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) Supt. Gary Garcia na halos 10 na ektaryang lupa sa IPPF ang natamnan na ng palay bilang bahagi sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project ng Department of Justice , BuCor at DA.

Base sa report, nitong nakaraang buwan nasa 150 na PDLs mula sa IPPF Inagawan Sub-Colony ang lumahok sa pagsasaka o pagtatanim.

“Yun pong pagtatanim ng high value crops inuumipasahn na rin po yan sa IPPF at ang kagandahan ng project na ito ay pwede natin itong replicate sa iba’t ibang penal colonies sa bansa na maging agro-tourism and agro-aquaculture sites na papakinabangan ng ating kababayan dahil dito po walang middle men kaya mas magiging mura ang produkto,” sabi ni Catapang.

Layunin ng RISE project na sumabak at magpatupad ng agro-industrial projects sa pamamagitan ng pagpapayabong sa mga lupain at pinagkukunang yaman upang gawing produktibong agricultural camps o food production centers para sa kontribusyon sa seguridad sa pagkain o food security sa bansa.

Ayon pa kay Catapang, ang naturang proyekto ay sa gabay ni DOJ Secretary Crispin Remulla at magsisilbing bahagi rin ito aniya ng reformation program para sa PDL sa ilalim ng Work and Livelihood Program ng BuCor kung saan mabibigyan sila ng iba’t ibang oportunidad sa kabuhayan upang mapanatiling maayos ang kita ng manggagawang PDL at magkaroon sila ng kapabilidad sa hanapbuhay bilang paghahanda sa kanilang muling pagbabalik sa lipunan at makasama ang kanilang pamilya.

“Parallel to this, participating PDL also gained additional Good Conduct and Time Allowance (GCTA) which will contribute to the facilitation of their early releases,” dugtong ng BuCor chief. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *