Panukalang gawing legal ang divorce sa bansa aprubado na sa committee level ng senado

Panukalang gawing legal ang divorce sa bansa aprubado na sa committee level ng senado

Aprubado na ng komite sa Senado ang panukalang gawing legal ang diborsyo sa bansa.

Sa committee report ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality, nakasaad na kinikilala ng senado ang kasagraduhan ng pamilya.

Gayunman, tungkulin din ng senado na tiyakin na napapangalagaan ang dignidad ng bawat tao, nagagarantiyahan ang pagrespeto sa human rights, pagprotekta sa interest ng mga bata.

Sa ilalim ng Divorce Bill, ang petisyon ay maaaring ihain ng mag-asawa o ng isa sa kanila.

Ang joint petition na ihahain ng mag-asawa na mayroong mga anak ay dapat may nakalatag na plano patungkol sa pagbibigay ng suporta, kostodiya, at living arrangements sa mga bata.

Kung ang maghahain ng reklamo ay indigents, hindi na ito pagbabayarin ng filing fees at iba pang gastusin para sa litigation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *