Pangulong Marcos kinilala ang dedikasyon ng mga manggagawa ng gobyerno sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service
Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 1.8 million na mga manggagawa ng gobyerno sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Sa speech ng pangulo na ibinahagi sa Facebook Page ng RTVM, inalala nito ang paglikha ng Philippine Civil Service sa pamamagitan ng Public Law No. 5 noong Sept. 1900.
Nagpaabot ng pasasalamat si Marcos sa lahat ng civil servants na walang pagod na naglilingkod ng may integridad.
Pinasalamatan ni Marcos ang kanilang dedikasyon sa kabila ng maraming hamon na kanilang nararanasan. (DDC)