60-anyos na residente mula QC nakuha na ang napanalunang P22M na jackpot sa lotto
Natanggap na ng isang 60-anyos na ginang mula sa Quezon City ang napanalunan niyang mahigit P22.8 million na jackpot prize sa Lotto 6/42.
Nakuha ng lotto bettor ang winning combination na 34 – 35 – 24 – 20 – 36 at 39 ng siya ay tumaya sa lotto outlet sa Murphy, Barangay Socorro.
Ayon sa bettor, ang lucky numbers ay matagal na niyang tinatayaan matapos niya itong mapanaginipan 20-taon na ang nakararaan.
Ayon sa bettor, plano niyang gamitin ang bahagi ng kaniyang napanalunan sa pagnenegosyo.
Ipangtutulong din niya ito sa mga ibang nangangailangan. (DDC)