Presyo ng sili kontrolado pa ayon sa Bureau of Plant Industry

Presyo ng sili kontrolado pa ayon sa Bureau of Plant Industry

Kontrolado pa sa ngayon ang presyo ng sili sa merkado ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Kasunod ito ng ulat na umaabot sa P800 ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo.

Sa isang panayam, sinabi ni Diego Roxas, tagapagsalita ng BPI na ang karamihan ng pananim na sili ay nakasentro sa norte.

At kamakailan, ang norte ay naging sentro ng mga bagyo at epekto ng Habagat.

Dahil dito, maraming pananamin na sili ang nasira.

At kasunod ng pagbaba ng suplay ng sili ay ang pagtaas ng presyo nito.

Ayon kay Roxas, mas mababa pa rin naman ang presyo ng sili na galing ng Bicolandia at sa ibang lugar sa Southern Tagalog.

Sa kabila nito, nakikita ng BPI na kontrolado pa ang presyuhan ng sili sa merkado kung ikukumpara sa naging pagtaas ng presyo ng sili noong nakaraang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *