Kumakalat na impormasyon sa social media tungkol sa P7K na allowance sa ilalim ng Pantawid Gutom Program, peke ayon sa DSWD

Kumakalat na impormasyon sa social media tungkol sa P7K na allowance sa ilalim ng Pantawid Gutom Program, peke ayon sa DSWD

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko hinggil sa pagkalat ng mga post sa social media tungkol sa umano ay P7,000 na llowance sa ilalim ng Pantawid Gutom Program ng ahensya.

Ayon sa DSWD, ang nasabing post na kumakalat sa Facebook ay hindi totoo.

Ipinaliwanag ng DSWD na walang programa na tinatawag na “Pantawid Gutom Program”.

Ang inilunsad ng ahensya kamakailan ay ang Food Stamp Program na layong maibsan ang kagutuman.

Sa ilalim ng programang ito, makatatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng P3,000 food credits sa kanilang mga Electronic Benefit Transfer Card na maaari lamang gamiting pambili ng masusustansyang pagkain.

Paalala ng DSWD, kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa at huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *