Mahigit 11,000 na Coast Guard personnel nabigyan ng promosyon
Pinangunahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio Abu ang donning at oath-taking ceremonies ng mahigit 11,000 na tauhan ng PCG na binigyan ng promosyon.
Isinagawa ang seremonya sa National Headquarters ng Coast Guard sa Port Area, Manila.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Abu na ang promosyon ay hindi lamang bunsod ng pagpapakita ng kakayahan at kaalaman kundi dahil na rin sa kanilang commitment sa organisasyon.
Sinabi ni Abu na reward din ito sa mga sakrpisyo ng kanilang mga tauhan.
Sinabi ni Abu na hangad niya ang patuloy na tagumpay ng mga PCG personnel sa kanilang career. (DDC)