BFP-QCFD nangangailangan ng reporma ayon kay QC Mayor Joy Belmonte

BFP-QCFD nangangailangan ng reporma ayon kay QC Mayor Joy Belmonte

Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Bureau of Fire Protection (BFP) na magsagawa ng imbestigasyon at reporma sa BFP-Quezon City Fire District (BFP-QCFD).

Kasunod ito ng isinagawang imbestigasyon ng city government at ng Quezon City Council matapos ang sunog na naganap sa Tandang Sora noong Aug. 31 na ikinasawi ng 15 katao.

Sa imbestigasyon ng pamahalaang lungsod, lumitaw ang nakulangan ng inspeksyon, backlog sa pagsusuri sa mga business establishment at iba pang kapabayaan sa panig ng Quezon City Fire District.

Ayon kay Belmonte, dapat tignan ngBFP kung nagagampanan ba ng BFP-QCFD ang mandato nito.

Una ng hiniling ni Belmonte na masibak sa pwesto ang dalawng opisyal ng BFP-QCFD.

Ito ay sina BFP-QCFD Fire Marshall, Fire Senior Superintendent Aristotle BaƱaga, at ang hepe ng QCFD Fire Prevention Branch na si Fire Chief Inspector Dominic Salvacion.

Sa evaluation na ginawa ng city government sa mga insidente ng sunog na naganap sa lungsod ngayong taon, lumitaw na mas matindi ang mga pinsala at pagkasawi kumpara noong nakaraang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *