Pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong naging mabunga
Ibinida ng Palasyo ng Malakanyang na naging mabunga ang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.
Kasama din sa nasabing pulong si Deputy Prime Minister Lawrence Wong.
Ayon sa pangulong, positibo at “promising” ang naging pagpupulong kung saan natalakay ang mahahalagang usapin.
Ayon kay Pangulong Marcos aasahan ang mas malakas na kolaborasyon ng Pilipinas at Singapore sa pagtugon sa mga common global challenge.
Pagkatapos ng pulong ay sabay na nanood ang dalawnag lider ng F1 Grand Prix. (DDC)