Pagkasira ng marine environment sa mga lugar kung saan nananatili ang mga barko ng China, kinumpirma ng Coast Guard

Pagkasira ng marine environment sa mga lugar kung saan nananatili ang mga barko ng China, kinumpirma ng Coast Guard

Ipinakita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labis na pagkasira ng marine environment sa mga lugar kung saan madalas nananatili ang mga barko ng China.

Inilabas ng PCG ang kopya ng video kung saan makikita ang mga sirang coral reef bilang pagsuporta sa report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM), na nagsasabing matinding pinsala na ang naidulot sa marine environment at coral reef sa seabed ng Rozul Reef at Escoda Shoal.

Simula Aug. 09 hanggang September 11 2023, umabot sa 33 Chinese Maritime Militia ang na-monitor ng PCG sa Rozul Reef at 15 sa Escoda Shoal.

Sa ginawang Maritime patrols ng BRP SINDANGAN (MRRV 4407) at BRP CABRA (MRRV 4409) nakumpirma din ang presensya ng mga barko ng China sa nasabing mga lugar na sakop ng West Philippine Sea.

Sa nasabi ding mga petsa ay nakapagsagawa ang PCG launched missions ng underwater surveys.

At base sa ginawang surveys nakitang sira na ang marine ecosystem at ang discoloration ng seabed.

Ayon kay PCG spokesperson Jay Tarriela, ang patuloy na pagdagsa ng barko ng China at pagsasagawa ng illegal fishing activities sa lugar ay nagdudulot ng degradation at destruction sa marine environment.

Iginiit ng PCG ang kahalagahan na mapanatiling protektado ang marine environment, upang mapanatili ang marine life at masuportahan ang local communities. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *