Pari na pinatawan ng expulsion ng Santo Papa humingi ng paliwanag mula sa Diocese ng Borongan

Pari na pinatawan ng expulsion ng Santo Papa humingi ng paliwanag mula sa Diocese ng Borongan

Pumalag ang pari sa Borongan, Eastern Samar sa pagsasapubliko ng Diocese of Borangan sa kaniyang expulsion.

Sa kaniyang Facebook Page hinamon ng pari na si Pio Aclon si Borongan Bishop Crispin Varquez na ilabas ang liham mula kay Pope Francis na nagsasaad na siya ay pinatawan ng expulsion o inalis na bilang pari.

Binigyan ni Aclon ng sampung araw si Varquez para ilabas ang kopya ng liham.

Ang circular ni Bishop Varquez na nag-aanunsyo ng explusion kay Aclon ay binasa sa mga parokya at chapel na sakop ng diocese.

Sinabi ni Aclon na ang mga ganitong usapin ay dapat ipinapaalam sa “concerned individual” at dapat na alam din ito ng kaniyang abogado na si Atty. Harriet Demetriou.

Hindi aniya maituturing na bahagi ng prcedural process ang pag-post ng anunsyo sa Social Media.

Iginiit ni Aclon na nilabag ng obispo ang kaniyang canonical rights maging ang human at civil rights. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *