Pari sa Borongan pinatawan ng expulsion ng Santo Papa
Pinatawan ng expulsion ni Pope Francis ang isang pari sa Borongan, Eastern Samar na sangkot umano sa sexual abuse.
Sa inilabas na circular ng Diocense of Borongan, nakasaad na inalis na sa clerical state ang pari na si Pio Aclon.
Dahil dito, sinabi ng Diocense na hindi na dapat mag-perform ng clerical duties at hindi na dapat umakto bilang pari si Aclon.
Ang nasabing circular ay binasa sa lahat ng parokya at mga chapel na sakop ng diocese araw ng Linggo, Sept. 17.
Ang nasabing circular ay may petsang July 18, 2023 subalit araw lamang ng Linggo ng isapubliko ng Diocese.
Si Aclon ay una ng pinatawan ng suspensyon ng Diocese dahil sa umano ay pagkakasangkot sa pang-aabuso sa mga menor de edad. (DDC)