P3.4M na halaga ng tanim na marijuana sinunog sa Cordillera
Umabot sa P3.4 million na halaga ng tanim na marijuana ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera.
Bahagi ito ng kampanya ng PDEA na mawasak ang mga pananim na marijuana sa rehiyon.
Ang nasabing halaga ng marijuana plants ay nakumpiska sa dalawang plantasyon na nadiskubre ng PDEA sa Barangay Butbut, Tinglayan sa Kalinga.
Ayon sa PDEA, nakita ang mga tanim na marijuana sa kabuuang land area na 17,000 sqm.
Humigit-kumulang 17,000 na piraso ng fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog.
Wala namang naaresto sa ginawang operasyon dahil walang naabutan sa lugar ang mga otoridad. (DDC)