Mahigit 10,000 dumagsa sa mga testing center sa unang araw ng 2023 Bar Exams

Mahigit 10,000 dumagsa sa mga testing center sa unang araw ng 2023 Bar Exams

Mahigit 10,000 ang kumuha ng pagsusulit sa unang araw ng 2023 Bar Examinations.

Batay ito sa datos na inilabas ng Korte Suprema.

Ayon sa Supreme Court (SC), umabot sa 10,404 ang kabuuang bilang ng examinees sa mga testing center sa buong bansa.

Pinakarami ay sa testing center sa San Beda University – Manila na mayroong 1,614 examinees, kasunod ang testing center sa UP-Diliman na mayroon namang 1,066 examinees.

Ngayong araw, Sept. 17 ang unang araw ng Bar Exams.

Susundan ito ng ikalawa at ikatlong araw na gaganapin naman sa Sept. 20 at 24. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *