Mahigit 400 college students nakatanggap na ng cash-for-work sa ilalim ng “Tara, Basa! Tutoring Program” ng DSWD

Mahigit 400 college students nakatanggap na ng cash-for-work sa ilalim ng “Tara, Basa! Tutoring Program” ng DSWD

Umabot sa 432 college students ang nakatanggap ng cash-for-work sa ilalim ng “Tara, Basa! Tutoring Program” ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).

Ayon sa DSWD, isinagawa ang unang simultaneous payouts sa mga local universities at colleges sa Metro Manila.

Ang mga estudyante na nakinabang
sa programa mula sa City of Malabon University; Navotas Polytechnic College; Universidad de Manila; at Parañaque City College ay nakatanggap ng 4,800.

Ang mga piling 2nd to 4th-year college students ay isinailalim sa pagsasanay para maging Tutors and Youth Development Workers (YDWS).

Walong araw silang nagsagawa ng tutoring at Nanay-Tatay module sessions kung saan tumanggap sila ng P610 na daily wage.

Sa ilalim ng programa, tinituruan ang mga non-reader elementary learners.

Nagkakaroon din ng Nanay-Tatay module sessions para sa mga magulang at guardians ng mga grade school beneficiaries. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *