MRT-3 may handog na libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno
Magbibigay ng Libreng Sakay ang MRT-3 para sa mga kawani ng gobyerno.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary.
Ayon sa pahayag ng pamunuan ng MRT-3, magsisimula ang Libreng Sakay sa Setyembre 18 hanggang Setyembre 20.
Sa nasabing mga petsa ay libreng makasasakay sa mga tren ng MRT-3 ang mga kawani ng gobyerno sa buong operating hours ng linya.
Kinakailangan lamang magpakita ng valid government ID upang makatanggap ng Libreng Sakay. (DDC)