Minimum wage increase sa industrial sector workers sa Taiwan pakikinabangan ng mahigit 120,000 na OFWs
Aprubado na ng pamahalaan ng Taiwan ang pagpapatupad ng 4.05 percent increase sa monthly minimum wage ng lahat ng manggagawa sa industrial sector.
Ayo sa Manila Economic and Cultural Office ang kautusan ay pakikinabangan din ng mga migrante kabilang ang mga overseas Filipinos workers.
Sinabi ni MECO chairman Silvestre H. Bello III, sakop ng wage adjustment 124,265 Filipino factory workers sa Taiwan.
Hindi naman kasama sa tataasan ng sweldo ang mga live-in migrant caregivers at household service workers dahil hindi sila sakop ng Taiwan Labor Standards Act.
Mula sa NT$26,400 na monthly minimum pay ay tataas ito sa NT$27,470 simula sa susunod na taon.
Epektibo ang wage increase sa Jan. 1, 2024.
Ito na ang ikawalong sunod na taon na tumaas ang minimum wage sa Taiwan simula noong 2016.
Ayon kay Bello, ang panukalang wage increase ng labor ministry sa Taiwan ay tugon sa pangangailangan ng mga manggagawa sa industrial sector. (DDC)