Pondo para sa 2021 Performance-Based Bonus ng mga guro ng DepEd inaprubahan na ng DBM

Pondo para sa 2021 Performance-Based Bonus ng mga guro ng DepEd inaprubahan na ng DBM

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11.6 bilyon na pondo para sa Performance-Based Bonus (PBB) ng 920,073 kawani ng iba’t ibang eskwelahan sa elementarya at sekondarya na nasa pangangasiwa ng Department of Education (DepEd).

Ang nasabing pondo ay para sa PBB ng mga kawani ng DepEd na dapat ay noon pang taong 2021.

Ayon sa DBM as of Sept. 1, 2023, naibigay na ng lahat ng 16 nilang regional offices ang Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) sa DepEd para sa Fiscal Year 2021 PBB ng school-based personnel.

Naipalabas ang mga SARO at NCA kasunod ng ginawang evaluation at validation ng DBM sa required updated documents na isinumite ng DepEd mula Abril hanggang Agosto 2023.

Sa pahayag ng DBM, pinagbatayan ng pagbibigay ng 2021 PBB ang accomplishments ng DepEd para sa nasabing taon.

Ipinalabas ang Final Evaluation Assessment para sa DepEd ng Administrative Order No. 25 Inter-Agency Task Force noong Enero ng kasalukuyang taon, habang ang mga kinakailangang dokumento ay naisumite lamang ng DepEd sa DBM mula Abril hanggang Agosto 2023.

Ang matagal na proseso ayon sa DBM ay maaaring dahil sa malaking bilang ng mga kwalipikadong kawani ng DepEd na aabot sa mahigit 900,000 at sa dami ng mga dokumentong kailangang maisumite.

Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman, agad namang inaksyunan at prinroseso ng DBM ang mga dokumento ng ito ay maisumite ng DepEd. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *