MTRCB chair Lala Sotto nakatatanggap ng rape at death threats

MTRCB chair Lala Sotto nakatatanggap ng rape at death threats

Nagpahayag ng pagkabahala ang Movie ang Television Review and Classification Board (MTRCB) sa patuloy na pag-atake ng netizens kay chairperson Lala Sotto.

Sa pahayag ng MTRCB, sa nakalipas na ilang linggo, ang mga pagbabanta ay ipinadadala pamamagitan ng official social media pages ng board at kabilang dito ang rape at death threats kay Sotto.

Ayon kay MTRCB Executive Director II Atty. Mamarico Sansarona Jr. hindi deserve ng kahit na sinuman ang tumanggap ng mga personal na pag-atake.

Ipinaliwanag ni Sansarona na ginagawa lamang ng MTRCB ang manato nito.

Sinabi ng MTRCB na bagaman bukas at kinikilala nito ang contstructive criticism, mariin naman nitong kinokondena ang anumang uri ng pagbabanta, harassment, o violence oline at offline.

Una dito ay nagpalabas din ng pahayag ang MTRCB kung saan ipinapaliwanag nito ang mga ipinakakalat na larawan sa socia media kung saan makikita si Sotto na kasama sa pulong ang mga miyembro ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Ang nasabing grupo ang nagsampa ng kaso laban kina Vice Ganda at Ion Perez kaugnay sa isang eksena sa It’s Showtime.

Ayon sa MTRCB ang mga larawang ipinakakalat sa social media ay kuha noong Aug. 24 nang mag-courtesy call ang grupo kay Sotto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *