29 na Chinese Fishing Vessels namataan sa isinagawang aerial patrols sa West Philippine Sea

29 na Chinese Fishing Vessels namataan sa isinagawang aerial patrols sa West Philippine Sea

Dagsa na naman ang mga Chinese Fishing Vessel sa West Philippine Sea.

Ito ang nakita sa isinagawang aerial patrols gamit ang air assets ng Western Command (WESTCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lugar.

Ibinahagi ng AFP WESCOM ang mga larawan na kuha sa isinagawang air patrols noong September 6 hanggang 7 kung saan makikita ang nakababahalang presensya ng mga barkong pangisda ng China.

Ayon sa AFP, sa Rozul (Iroquios) Reef tinatayang nasa 23 Fishing Vessel ng China ang namataan.

May mga nakita ring 5 Chinese Fishing Vessels sa Escoda (Sabina) Shoal, at 2 sa Baragatan (Nares) Bank.

Ayon sa AFP WESCOM ang pagtaas ng presensya ng CFVs sa West Philippine Sea ay nakababahala dahil sa potensyal na implikasyon nito sa maritime security, fisheries conservation, territorial integrity, at preservation ng marine environment sa lugar.

Una ng iniulat din ng Philippine Navy na noong August 24 may namataang 33 CFVs sa Rozul (Iroquios) Reef sa isinagawa nilang routine air patrol.

Ang Rozul Reef ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *